***EYRNA*** “Pasensiya ka na, baby. Wala na pa lang healthy na food dito sa ref. Hindi pa kasi umuuwi ang Da—si Revo. Hindi rin ako makalabas kasi naka-lock ang pinto at bintana. Hindi bale’t sa pagdating niya ay baka madami siyang groceries na dala,” paghingi ng paumanhin ni Eyrna sa anak nang hinaplos niya ang kaniyang tiyan. Busy siya sa pagtingin ng ingredients sa kusina para makapagluto ng kakainin. At nabahala siya dahil halos ubos na ang laman ng ref. Mag-isa lang siya sa bahay ni Revo tatlong araw na. Hindi na siya binalikan ng binata mula umalis ito dala iyong bag na naglalaman ng madaming pera. Ni hindi ito nagpaalam sa kanya. Nagising na lang siya noong Martes na wala na si Revo sa bahay. Mabuti sana kung iniwan siya na hindi ni-lock ang pinto at mga bintana. Tapos pinutol