***MIA ZIEGLER*** Lahat ng santo ay lihim na tinatawagan ni Mia. At ang hinihiling niya ay ang sana hindi magkaroon o makaramdam ng init sa katawan ngayon si Kabhy. Ayaw niyang may mangyari sa kanilang mag-asawa dahil masasaktan lang niya ang damdamin nito kapag hindi niya maibigay ang pangangailangan nito; iyong habang niroromansa siya ay bigla siyang susumpungin sa sakit sa puso. “Hon, antok na ako,” sabi ni Kabhy. Ang puyat sa pagtatrabaho sa kanilang kompanya ay naramdaman na nito. Nanlalata na ang hitsura nito gawa nang sobrang antok. Tapos na silang kumain na mag-asawa at nasa sarili na silang silid. Nanonood na sila ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama. “Go on, matulog ka na, hon.” Marahang hinawakan niya ang pisngi ng asawa at inihilig sa kanyang balikat. “Aren't you