KABANATA 7

2375 Words
***MIA ZIEGLER*** Alas syete ay nakahanda na ng hapunan si Mia. As usual, kasama niyang naghanda ang mga kasambahay nilang sina Veron at Aling Marina. Si Mia Ziegler ay ang asawa ng twenty-nine-year-old billionaire na si Kabhy Ziegler, the owner of Ziegler Mining Company. At ang asawang si Kabhy ang ipinaghanda ng pagkain ni Mia. Nagising siya kaninang umaga na maganda ang kanyang pakiramdam kaya naisip niyang asikasuhin naman ang kanyang asawa sa abot ng kanyang makakaya. Ginusto niyang ipagluto ang asawa na hindi niya nagagawa lagi. Siya kasi ay may sakit sa puso. Since birth, she has had Critical Congenital Heart Disease (CCHD) and has undergone several stages of open-heart surgeries. Kaya naman kahit anong gusto niya na araw-araw sanang paglingkuran ang kanyang asawa ay hindi niya magawa. Madalas at mabilis siyang mahapo. Kahit nga nakaupo o nakahiga siya maghapon ay parang pagod na pagod ang kanyang pakiramdam. “Ang mabuti pa, Ma’am, ay magpahinga na kayo. Tatawagin ko na lang po kayo kapag dumating na si Sir,” alas dyes ng gabi ay sabi na ni Veron. Ang tinimpla ng dalagang kasambahay na kape na pamatid-bagot ay nasaid na nito. Tatlong oras na silang naghihintay. “Oo nga, Mia, baka kung mapaano ka na. Pagod ka na kanina sa paghahanda ngayon naman ay napupuyat ka,” sang-ayon ni Aling Marina. Gawa na matanda na si Aling Marina sa edad na sesenta ay hindi gusto ni Mia na tawagin siyang Ma’am. Isa pa’y halos ina na ito ng kanyang asawa dahil naging yaya ito ni Kabhy kaya malaki ang respeto niya sa matanda. “Huwag niyo akong alalahanin, 'Nay Marina. Ayos lang ako. Hihintayin ko si Kabhy. Siguro naman ay pauwi na iyon. Kung gusto niyo ay kayo na ni Veron ang magpahinga,” nakangiti at malumanay niyang sabi sa dalawa. Pinakikiramdam niya ang sarili at totoong maayos pa ang kanyang pakiramdam. Siguro, dahil sa pagnanais niyang makita ni Kabhy ang kanyang effort sa pag-prepare ng kanilang magiging dinner dapat ay nahihiya ang kanyang puso na masira ang momentum kaya nagbe-behave. At hiling niya na sana mag-behave nga hanggang sa dumating ang kanyang asawa. Kahit ngayon lang. “Hindi ka namin puwedeng iwanan dito, Mia,” pero ligalig na pagtanggi agad ni Aling Marina. Noong namatay ang kanyang mommy ay si Aling Marina na ang alam niyang pangalawa sa taong nag-aalala sa kalagayan niya. Una si Kabhy. “Oo nga po, Ma’am. Dito lang po kami,” sang-ayon ni Veron. “Kayong bahala kung gusto niyong makita ang binabalak kung gawin kay Kabhy oras na dumating siya. Alam niyo na ‘yon,” pilyang sabi niya sa dalawa mapaalis lang. Alam niyang hindi biro ang mga trabahong ginagawa nila sa malaki nilang bahay kaya dapat na sila ang magpahinga. “Mia?!” wala pa man ay saway ni Aling Marina sa kanya. Mahina man ang naging tawa niya ay makulit naman. Animo’y sa sandaling iyon ay tinakasan siya ng kanyang sakit upang kahit saglit lang ay maging masaya siya nang walang kapalit na paghingal o pagsakit ng kanyang dibdib o hindi paghinga ng maayos. At nakasiya iyon kina Veron at Aling Marina. Hindi na nila matandaan kasi kung kailan ang huli na nakita nilang tumawa ng malaya ang kanilang among babae. “Sige na’t baka darating na si Kabhy,” pagtataboy pa ni Mia sa dalawa. Nagkatinginan muna ang dalawang kasambahay bago nagpasyang sundin siya. “Sige po, Ma’am. Dahan-dahan lang po mamaya, ah?” Bahagyang siniko ni Aling Marina si Veron dahil sa sinabing iyon. “Ano bang pinagsasabi mo? Iyang dila mo. Mag-sorry ka sa Ma’am natin.” “Sorry po, Ma’am,” nahihiyang paghingi nga ng paumanhin ni Veron. Natatawa ulit si Mia sa dalawa. Inihatid niya ang mga ito ng tanaw nang minabuting sundin na ang utos niyang iwanan na siya. Ang maid’s quarter ay nasa dulo ng dirty kitchen. Ang hindi alam nina Aling Marina at Veron ay dagling nawala ang kanyang ngiti nang mag-isa na siya. Naglaro sa isip niya ang tungkol sa nasilip niya sa kanyang social media kanina. Ang totoo, kanina niya pa alam kung bakit hindi nakauwi agad o malamang hindi na makakauwi na kanyang asawa. Iyon ay dahil nasa isang masayang okasyon na naman ito kasama ang mga kaibigang kapwa negosyante. Binalewala lang niya kanina at umasa siyang uuwi pa rin nang maaga si Kabhy katulad noon na mas pinipili siya kaysa ang makipag-sosyalan. Dahan-dahan ay dinampot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang harapan. Binuksan ang kanyang f*******: Account at muling ini-stalk ang post ni Lailey na kanyang kaibigan. Naroon ang mga larawan ni Lailey at kasama si Kabhy. Ayos lang sa kanya kapag grupo ang larawan. Ang kanyang lihim na ikinaseselos ay ang limang larawan na dalawa lang sina Kabhy at Lailey, lalo na iyong isa na nakahawak pa si Kabhy sa baywang ni Lailey. Ang sabi ng kanyang asawa lagi ay hindi ito nag-i-enjoy sa mga party na dinadaluhan nito, na napipilitan lang daw na makisama. Sabi pa sa kanya ay mas masaya raw ito kapag uuwi na lang ito ng maaga at siya ang kapiling. Ngunit sa sandaling iyon, sa nakikita niyang mga ngiti nito kasama si Lailey, para namang hindi. Gawa ng sama ng loob ay padabog na ibinaba niya ang kanyang cellphone at nag-isang kumain. Hindi na niya hihintayin ang kanyang asawa dahil siguradong busog na iyon sa pag-uwi. Ayaw niyang pag-isipan nang hindi maganda sina Kabhy at Lailey, but the photos were proof enough. Iyong pocherong baboy ay nilantakan niya talaga. Alam niyang bawal sa kanya iyon pero dahil gusto niyang magrebelde ay wala siyang naging pake. Nag-i-enjoy ngayon ang kanyang asawa, dapat lang na mag-enjoy rin siya. “Hey!” Bigla ay may humawak sa kanyang palapulsuhan nang muli ay magsusubo siya sana ng pochero. Pinili pa naman niya ang matabang karne ng baboy. Nalingunan niya ang kanyang asawa. Dumating na pala ito. “You are not allowed to eat red meat, especially pork. Have you forgotten?” pormal na pormal na sita sa kanya ni Kabhy. Hindi galit pero hindi rin namang nakangiti. Marahang kinuha sa kanyang kamay ang tinidor na may nakatusok na karne at ibinalik sa may ulam. Iniiwas niya ang mga mata sa asawa. Nagbuntong-hininga naman si Kabhy bago umupo sa may kabisera. “At bawal din sa ‘yo ang magpuyat, hon. You should be sleeping now.” Hindi siya sumagot. Nagtatampo na nilalaro niya ang kanin sa hawak niyang kutsara. Maraming katanungan sa isip niya pero hindi naman niya maibigkas. Isa na roon ang mga; bakit ang sweet niyo ni Lailey sa mga pictures niyo? Hindi mo ba naisip na makikita ko at magseselos ako? Kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig sa kanya ang asawa. Tinatantiya ang kanyang kinikilos. Siguro ay naaawa sa ginagawa niya sa kanin pero hindi man lang naawa sa kanya. “What's wrong? Is there an issue, hon?” untag sa kanya. Napilitan siyang tumingin dito. “Wala naman. Nagutom lang ako,” and said smiling. She tried to curb her jealousy even though her heart's pain was unbearable. “Are you sure?” Ginagap ni Kabhy ang kanyang kamay. Mabining tumango siya. Gayunman ay binawi niya ang kamay. Ayaw niyang magpahawak. Oo, batid naman niyang dapat ay hindi siya nagseselos dahil wala siyang karapatan. Wala siyng karapatan dahil hindi naman niya naiibigay ang pangangailangan ng kanyang asawa. Kasama na roon ang s*x. Kahit kailan at kahit anong gusto niya ay hindi niya magagawang i-satisfied ang kanyang asawa sa kama dahil puwede niyang ikamatay. Kaya kung maghahanap man ito ng ibang babae ay dapat unawain niya at hindi magselos. Magpasalamat na lang siya dapat dahil umuuwi pa rin sa kanya ito at sinasabing mahal siya. Nga lang sana ay huwag naman kay Lailey, ibang babae na lang sana. Doble-dobleng sakit kasi ang mararamdaman niya kung sa kaibigan niya pa mahahanap ni Kabhy ang kakulungan nito. Na kay Lailey Salvador na ang lahat ng suwerte sa mundo. Kagandahan, kayamanan, at kasikatan bilang magaling na singer sa bansa. Kung mamahalin pa ito ni Kabhy ay sobra naman nang pagpapala iyon, gayung siya, heto’t ni ang paghinga ng maayos ay ipinagkakait sa kanya. Selfish na kung selfish pero ang laking sampal na iyon sa kanya. Noon pa niya kinaiinggitan si Lailey, hanggang kamatayan pa rin ba niya ay maiinggit siya? Ang unfair naman. “Wait, hon, don’t tell me you did cook all of this?” mayamaya ay namamangha na saad ni Kabhy. Nanlalaki ang mga matang iniisa-isang sinuri ang mga ulam sa kanilang harapan. “Nagtulungan kami nina Veron at ‘Nay Marina,” aniya. Ngumiti sa kanya ang asawa. “Ang sweet naman ng asawa ko.” “Anong sweet? Nasayang lang kaya. Hindi na mainit, eh, kaya hindi na masarap.” Nasabi niya iyon sa nagtatampong tinig. Hindi niya namalayan. “Hindi sayang, hon, dahil kakainin ko lahat ng niluto mo. Gutom na guto kaya ako.” Nilabian niya ang asawa. “You’re lying, hon.” Nakusot konti ang noo ni Kabhy. “Why should I lie? Heto nga’t kinakain na yata ng mga alaga ko sa tiyan ang bituka ko dahil hindi ko raw sila pinakain kanina.” “How could you be hungry? You just came from an event.” Doon na napamata sa kanya si Kabhy. Nagtataka. “May sakit lang ako sa puso, hon, pero hindi pa ako baldadu para hindi makahawak ng cellphone. Nakita ko ang mga larawan niyo. Pinost ni Lailey,” paliwanag niya. Ang hindi niya inasahan ay matatawa si Kabhy. His soft laughter flowed as smoothly and seductively as velvet. Kahit sa pagtawa ay napakaguwapo ng kanyang asawa. “See, hanggang ngayon masaya ka,” aniya na nagtanga-tangahan. “Natawa lang ako kasi ang cute mong magselos, hon,” anito. Namilog ang kanyang mga mata. “I’m not jealous.” Nagkibit-balikat si Kabhy. “Sabi mo ‘yan, ah?” “Hindi talaga. Hindi ba’t sabi ko na mas ikakapanatag ko pa kung makakahanap ka ng mas matinong babae? Iyong sabi ko ay aalagaan ka, hindi tulad ko na walang kuwenta." “Bakit naman napunta sa usapan sa ganyan na naman, hon? Ang gusto ko lang naman ay kumain kasi gutom talaga ako.” “Bakit kasi hindi ka kumain doon?” “Kasi po ay wala pa yatang five minutes na nandoon ako. Umalis ako agad kasi dumaan lang ako roon.” Gumaan ang kanyang dibdib. Hindi niya lang muna ipinahalata. “Eh, bakit ngayon ka lang?” “Dahil ang dami kong tinapos na trabaho. I sent a message to you.” “Wala akong natanggap,” mahaba pa rin ang ngusong aniya. Totoo naman na wala siyang nakuhang text or chat nito. Kung meron ay bakit pa siya magkakapagod na magluto? “Nag-text talaga ako sa ‘yo, hon. Wait, ipapakita sa ‘yo.” Dinukot ni Kabhy ang cellphone sa bulsa at kinalikot. “Oh, damn,” pero napamura nang makitang hindi pala successful ang pag-send niyon. Nakangiwi na ipinakita iyon sa kanya. “Sorry, hon. I didn't notice. Ang dami ko kasi talagang trabaho kanina.” “Madami pero nagawa mo pang makipag-party?” “Dumaan lang talaga ako kasi pinilit ako ng secretary ko. Birthday kasi iyon ng anak ni Mr. Marcelino. Isa siyang major shareholder ng kompanya natin kaya hindi puwede na hindi ako pumunta. But promise, hon, nagpakita lang ako.” Nagpanatang makabayan pa ng kamay si Kabhy maipakita lang na sensero sa mga sinabi. “Totoo ba ‘yan?” nakairap niyang paninigurado. Ibinaba ni Kabhy ang kamay. “Mamatay man ako bukas. Alam ko na, sasabihin ko na lang sa secretary ko na pumunta rito para magpaliwanag sa ‘yo.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi na kailangan. Naniniwala na ako sa ‘yo, hon.” Matamis na ulit ang ngiti ni Kabhy. Inabot nito ang kamay niya at masuyong hinalikan ang likod ng kanyang palad “Thanks, hon.” Ngumiti na rin siya. “So, can I eat now? Gutom na talaga ako.” Nang kinalas ang holding hands nila ay kinuha naman ni Kabhy ang tinidor at kutsara. “Hindi pa,” aniya. Sumimangot ulit. “May problema pa ba?” Nakakaawa ang hitsurang napangiwi ang asawa. Kunwari ay nilunok muna ang gutom. Muntik na siyang matawa, buti napigilan niya. “May gusto pa akong linawin.” “Shoot. What is it?” “Ang gusto ko, simula ngayon ay hindi ka na makikipag-selfie pa sa kahit na sinong babae.” “Walang problema. Hindi na ako papayag kapag sasabihin ni Lailey na selfie kami. Ang kulit naman kasi ng kaibigan mong ‘yon.” Lumaki ang mga mata niya. “Wala akong sinabi na si Lailey. Ang sabi ko ay lahat ng babae.” “Hon, alam kong nagseselos ka sa kaibigan mo at normal lang iyon." “Hindi ako nagseselos sa kanya.” Nginisian siya ng asawa pagkuwa’y dinampot ang cellphone niya. Ipinakita sa kanya ang harap ng screen. Nandoon pa ang pinagseselosan niyang picture ng dalawa na kanina’y tinititigan niya. Hindi niya pala na-back. “Nakita ko lang. Wala naman ‘yan sa akin,” pagsisinungaling niya. Kung puwede lang na kainin siya ng lupa ay nagpakain na siya. She felt too embarrassed. Jeez! “Really?” panunukso sa kanya ng asawa. Inirapan na talaga niya ito dahilan para tawanan pa siya nito. Tumayo si Kabhy at lumuhod sa kanyang harapan. “Hon, ipanatag mo ang loob mo at magtiwala ka sa akin. Remember, I've given you my heart, at nag-iisa lang ang puso ko kaya wala na akong maibibigay pa sa ibang babae. Hangga’t hawak mo. Ikaw lang at wala ng iba.” Mia bit her lip to keep from crying out loud. Kapag nagdadrama talaga ang kanyang asawa tungkol sa pagmamahal niya sa kanya ay wala na, talo na siya. Sobrang kinikilig na siya. Parehas niya sina Veron at Aling Marina. Kinikilig din ang dalawang kasambahay na nakasilip sa kanila. “Kaya sana ay payagan mo na akong kumain. I haven’t eaten yet kaya sana pakainin mo na ako please?" pero nang iungot ni Kabhy na parang bata ay natawa silang tatlo. Nakangiting sinamaan ng tingin ni Mia ang dalawang kasambahay. Mga marites na naman, ay naku.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD