***LAILEY*** Maaga lagi ang kanilang call time kapag araw ng taping sa comedy sitcom na I LOVE YOU, BADUY kung kaya eksakto alas siete ng umaga ay lumabas na si Lailey mula sa kuwarto niya. Sapat na ang kanyang outfit na overall jumper at white plain na t-shirt. Wala rin siyang masyadng make-up dahil ang rule niya roon ay isang bantay sa flower shop na kaibigan ng bidang babae. May pagkamataray na aanga-anga kaya aliw sa viewers ang kanyang character bilang si Camila. At palabas na siya sa mansyon nang makita niya si Miss Erika sa may ibaba ng hagdanan. Halatang hinihintay siyang talaga. Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ang bakla. Ngumiti naman ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. Ang bait na naman ng awra. Animo’y hindi siya nito pinagtabuyan kahapon na parang wala na siyang silb