***KABHY/DARION*** Nakatulala sa may bintana ng sasakyan si Kabhy. Nakabalik na sila ni Miguel sa Maynila. Pauwi na sila galing NAIA Airport. Tapos na ang pakikipag-usap nila kay Marta, at naging maayos naman ang resulta. Nakipagtulungan din sa kanila ang babae sa huli. Oras na kailanganin nila ito ay susunod sa kanila agad. Finally, he is about to get justice for Mia's death. Wala na siyang balak patagalin. Ipapakulong niya agad ang sino mang dapat makulong. Wala silang karapatan na kunin ang buhay ng kanyang asawa gayong noon ay halos ubusin niya ang lahat ng yaman niya maipagamot lang ang asawa. Napabuntong-hininga siya nang ibalik niya ang sarili sa nakaraan na kasama niya pa si Mia. FIVE YEARS AGO... Dinala niya si Mia sa Cleaveland Hospital in New York City. At napapatungo si