***KABHY/DARION*** Para ba’y may spring ang kinauupuan ni Kabhy na nagtulak sa kanya na tumayo bigla-bigla. Napakabilis din na nahawakan niya ang magkabilang braso ni Marta. “Does that mean I was right in my suspicion that you did see something?” and he asked, pigil ang sarili na humiyaw sa magkahalong galit at pagkadismaya. Nabigla si Marta kaya hindi nakaimik. Nahintakutan sa higpit ng pagkakahawak niya sa mga braso nito. Hindi in-expect ang kanyang magiging kilos na ganoon. “Answer me! May nakita ka o wala?! Ano ang ginawa ni Lailey sa asawa ko?!” dumadagundong na singhal na niya nang hindi na napigilan ang sarili. Hindi na siya makapaghintay na malaman kung ano talaga ang nangyari sa pagitan ng magkaibigang Lailey at Mia at ganoon ang kinahantungan. “Sir, huminahon ka lang,” alum