***KABHY/DARION*** “Sir, ang mabuti ay tayo na muna sa hotel nang makapagpahinga kayo. Bukas na lang natin ulit itinuloy ang paghahanap,” aya ni Miguel sa kanya nang sa tingin nito ay imposibleng matunton nila sa araw na iyon ang naging kasambahay nilang si Marte Dela Cruz. “Sige, but after we ask that grandma,” aniya sabay nguso sa matandang marahang naglalakad bitbit ang isang supot ng iilang piraso ng pinamili nito. “Pero baka wala ring alam ang matandang ‘yan, Sir. Parang malabo na nga ang mga mata para makita ang dala nating larawan ni Marta.” “Just try it,” sabi niya sabay hatak dito. Napapakamot na lamang sa batok si Miguel dahil sa wala yata niyang balak na magpahinga. Hangga’t maaari ay ayaw niya kasi sanang magsayang ng oras habang naroroon sila sa Cagayan De Oro. Dalawang