***EYRNA*** Pagkalabas nila ni Kabhy sa bahay ng puntod ni Mia ay saktong nag-ring ang kanyang cellphone. “Huwag mong sagutin,” sabi sa kanya ni Kabhy. “Baka importante. Baka si Dex,” aniyang dinukot pa rin ang cellphone sa kanyang bulsa. Kabhy was momentarily silent then he sighed. “Si Dex nga,” imporma niya rito. Gusto na niyang sabihin na wala itong dapat ipagselos kay Dex dahil kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan, ngunit nagdadalawang-isip siya. Kaniya sa sarili ay dapat ipaalam niya muna kay Dex. Lihim na pagkatao iyon ni Dex kaya hindi tama na ibuking na lang niya sa ibang tao iyon. Tumahimik lamang si Kabhy sa tabi nang kanyang sagutin ang tawag. “Dex, sorry kung bigla akong nawala diyan,” paghingi niya agad ng despensa. “Are you with Kabhy?” pero tanong nito