***EYRNA*** “Ay, palakang baog!” gulat na gulat niyang bulalas sa kanyang salitang-ekspresyon nang may biglang padabog na naglagay sa pinagkainang plato sa may lababo. And her heart stopped beating when she recognized who had done it. “Anong ginagawa mo?” blangko ang mukha na tanong sa kanya ni Darion. Ito pala ang may kagagawan ng pagbagsak ng mga plato sa lababo. Sa wakas, bumaba na ito mula sa halos buong araw na pagkukulong sa kuwarto. Ang totoo, nainis pa si Eyrna kanina dahil dapat siya ang nagkukulong sa kuwarto, pero dahil nagkukulong ito ay hindi na lang niya ginawa. Naisip niya na ano na lang ang iisipin nina Veron, Aling Maring, at Miguel kung mapapansin nilang parehas silang nagkukulong? Baka magka-issue pa sila. Ayaw na niya ng issue. Nakakasira ng buhay ang issue. Na