***EYRNA*** Hindi maiwasan ni Eyrna ang malula sa mga alahas na nasa harapan niya ng sandaling iyon. Hindi lang kasi mga kumikinang sa ganda pero sobrang napakamahal din ng mga presyo. “May nagustuhan ka ba?” tanong ni Dex sa kanya na hangang tainga ang ngiti. “Sabihin mo lang.” Namamangha na tumingin siya rito. Naroon sila sa LUX FINE JEWELRY na pag-aari raw ni Mia Ziegler. Dinala siya roon ni Dex matapos ang vocal training niya kay Coach Lewis kanina. Mamayang alas tress naman ang kanyang dance workshop. Sobrang busy niya. Kayod-kalabaw na siya dahil next week na ang kanyang unang sabak sa telebisyon. Konting kembot na lang ay magpapakita na ulit siya sa mga tao. At dahil nakita ni Dex na puspusan niyang pag-eensayo ay kaya siya gustong i-treat daw. Hindi naman niya inakala na doo