KABANATA 95

2472 Words

***EYRNA*** Parang sa pelikula ay kay bagal sa paningin niya si Kabhy na naglalakad palapit sa kanya. Hindi na siya nahintay na lumapit, sinundo na siya sa kanyang kinatatayuan. “Dumating ka,” sabi nito. Hindi nakangiti, pero hindi rin naman nakasimangot. “A-Anong kalokohan ito?” aniya habang inihahanda ang sarili. Pinilit niyang inihakbang paatras ng isa ang nabatong paa niya. Ramdam na ramdam pa rin niya ang mga paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura dala ng nerbyos. “I rented this cheap damn bar for a million just to see you. Tapos sasabihin mo lang na kalokohan?” “Sino ba kasi ang may sabi na gumastos ka? Ah, sabagay bilyonaryo ka nga pala,” sabi niya na binigyan ng nakakainsultong ngiti si Kabhy. “Kahit anong gusto mo ay madadaan mo nga pala sa dami ng pera mo. Sana all.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD