KABANATA 94

2220 Words

***EYRNA*** Habang naka-break sa pag-eensayo – kung paano maging hitsurang sopistakada at eleganta na babae – ay simantala ni Eyrna na lumabas muna sa Magic Entertainment Agency at bumaba sa lobby upang makapagpahangin. Nasa contract na hindi siya puwedeng magpakita sa mga tao hangga’t hindi pa siya nade-debut pero nais niyang lumanghap naman ng sariwang hangin kahit saglit lang. Ngunit palabas pa lamang sana siya sa building ay napansin na niya ang isang lalaking itim lahat ang kasuotan pati na sumbrero nito. Nakatayo at nakasandal ito sa isang kotse na wari ba’y may hinihintay pero mukhang hindi naman. Mas mukha itong nagmamanman. Biglang nagbago ang kanyang isip at minabuting sa isang café sa loob ng building na lang siya magpunta. Ewan niya pero nakaramdam siya ng takot sa lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD