***LAILEY*** Kasalukuyang umiikot ang camera at nagbabatuhan ng linya ang dalawang artistang babae. “Cut!” hanggang sa pangatlong pagkakataon ay dismayadong sigaw ng direktor. “Addy, ang pangit ng emosyon mo. Hindi ko makita ang pagsisisi mo.” “Sorry po, direk,” paghingi ng despensa ni Addy Salazar. Anak ng sikat na artisa noong dekada nobenta kaya kahit walang talento ay binibigyan ng mga pabor. “Ano ba?! Marunong ka bang umarte?! Kanina pa tayo paulit-ulit dito, ah?!” pagtataray naman na ni Lailey. Wala itong pakialam kahit sino pa ang kaeksena. Napapagod na siya dahil kanina pa sila sa part na iyon. Dapat take one lang pero naka-take three na sila. Tumingin sa kanya si Addy at napapangiwing hindi mawari. “Sorry, but promise I will do my best later.” Kasabay ng paghalukipkip ay is