***EYRNA*** Hindi maiwasang sulyapan ni Eyrna si Dex habang nagmamaneho ito. Tahimik sila simula kanina pa ukol sa natuklasan niyang kataohan nito—na bakla pala ito. Iniwasan nila iyon na topic. Ang tangi lang nilang pinag-usapan sa office nito ay ang tungkol sa contract na pipirmahan niya raw kapag buo na ang kanyang loob na maging talent ng Magic Entertainment. Hindi ulit siya minamadali. Tumikhim siya nang malapit na sila sa inuupahan nilang bahay. Bago siya maihatid ni Dex ay gusto niyang masabi sana rito na wala itong dapat ipag-alala dahil eksperto siya sa pagtatago ng mga sekreto. Ngunit hindi naman niya alam kung papaano uumpisahan. “Eyrna, what’s wrong? Is there something bothering you?” tanong ni Dex nang mahuli siyang hindi mapakali sa kinauupuan. “W-wala naman,” tanggi n