***LAILEY*** Humugot ng napakalalim na hininga si Lailey nang pumasok siya sa silid na inuukopa. Maganda naman ang mood niya na umuwi galing shooting, katunayan ay excited siyang umuwi kanina, nasira lamang ang lahat nang malaman niyang wala raw sa mansyon si Kabhy. Sa isang iglap ay nasira ang plano niyang piliting kausapin ito. Dalawang araw na mula bumalik ang memorya ni Kabhy ngunit parang wala pang balak ito na kausapin siya. Kung nagkakasalubong naman sila sa mansyon ay kay lamig ng trato sa kanya. Daig pa niya multo dahil ang multo nararamdaman ng tao, pero siya parang hidi nag-i-exist at all sa tingin ni Kabhy. Ang totoo ay hinihintay na nga lang niyang palayasin siya pero wala namang sinasabi. Nagmumukha na siyang tanga dahil pati ang mga kasambahay ay parang hindi na siya