***EYRNA*** “Tanggapin mo ang offer ko, Eyrna. Be my most prominent artist. Bawiin natin ang bituwin mong nawalan ng ningning. Pabagsakin natin sina Lailey at Erika,” walang kangiti-ngiti na sabi pa ni Dex. “Baka naman po maeskandalo lang kayo dahil sa akin. Madami pong galit sa akin na mga fans. Mga bashers,” malumanay naman niyang pagdadahilan. “I have many ways to get rid of them all. Kung kakailanganin kong umupa ng mga troll para lang labanan sila sa socila media ay gagawin ko malinis lamang natin ang pangalan mo.” “Po?” “Naniniwala akong ginamit ka lang ng tusong bakla na si Erika, Eyrna. You didn't do anything wrong, did you?” Bumuntong-hininga siya. “Ang kasalanan ko lang ay ang pinagkatiwalaan si Miss Erika. Kung tutuusin ay sila pa nga ni Lailey ang may kasalanan sa akin