***KABHY*** “Any update, Attorney?” tanong agad ni Kabhy kay Attorney Benitez nang lumabas ito mula sa interrogation room ng police station. Umiling ang attorney. “Unfortunately, tikom pa rin ang bibig niya. Mukhang alam niyang may nanonood sa kanya at anumang sasabihin niya ay naka-record.” Nakailang buntong-hininga siya kanina pa, pero muli siyang bumuntong-hininga. Nagkatinginan sila ni Miguel at parehas dismayado ang reaksyon ng kanilang mukha. “Pero huwag kang mag-alala, kakanta din ang babaeng iyon. Magagawan din ng paraan ni Inspector Rosal,” pampalubag-loob na sabi sa kanya ni Attorney Benitez na may kasamang paghawak sa balikat. “I-request mo na papasok ako sa loob. Ako ang kakausap kay Lailey,” aniya. “Alam mong bawal doon ang outsider.” “Pero kapag hindi siya umamin sa l