***EYRNA*** Kanina pa nakatingin si Eyrna sa may labas ng bahay dahil naghihintay na naman siya kay Kabhy. Mag-isa na lang siya sa bahay dahil kanina pa nakauwi si Dex. Babalik na lang daw ito bukas ng maaga kapag susunduin na siya para sa show nila sa Zamboanga. Actually, ilang beses siyang sinabihan kanina ni Dex na ipahinga na niya ang sarili. Matulog na raw siya. Subalit hindi naman niya magawa. Ni ang kumain nga ay tinatamad siya. “Nasaan ka na ba kasi, Kabhy? Bakit ngayon ka pa nag-missing in action ngayong last chapter na ng kuwento natin? Magpakita ka na please? Ayokong maging traggic ang ending natin...” paulit-ulit niyang hiling habang nagkakahandahaba-haba ang leeg niya sa pagtanaw sa may gate. “Hindi kaya nagbago ang isip niya? Hindi kaya na-realize niyang hindi pala niy

