Naramdaman ko ang mainit na bagay na tumutulo mula sa aking mga mata. Noong hawakan ko iyon ay naramdaman ko ang basang mga daliri. I cried again. Pagkatapos noong halos dalawang taon na pagtitiis para hindi tuluyang maiyak sa tuwing naaalala ko ang aking mga magulang, ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang mga luhang ang tagal nang sumusungaw sa aking mga mata. Ilang taon na nga ba? Katulad nga noong sinabi ng mga estudyante rito, sampung taon na ang nakakalipas simula noong mawala ang mga magulang ko. Ganoong katagal na akong nangungulila sa kanila. Pero bakit ganoon? Bakit sariwa pa rin ang sugat? Bakit masakit pa rin? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko matanggap? Bakit nagawa iyon sa kanila? Bakit ang aga kong nawalan ng mga magulang? Ang daming bakit na alam kong mahirap

