Tahimik na ang hallway nang lumabas ako sa silid namin. Nadaanan ko pa ang lugar kung saan ko nakaingkwentro ang apat na kabataang lalaki kanina, at wala na ring mga nakatambay na estudyante sa labas. Siguro ay nagsisimula na ang klase nila. Samantalang sa amin ay inabot na ng isang oras ay wala pa rin si Mr. Arevalo. Bilang nga lang yata sa mga daliri ko sa kamay kung ilang beses siyang pumasok sa amin. Binagtas ko ang kahabaan ng pasilyo ng Graveyard. Hinayaan ko ang mga paa kong dalhin kung saan nito gusto. Nagpalakad-lakad lang ako tulad ng isang taong walang direksyon ang buhay. Sumasabay lang sa bawat agos. Ang huni ng mga ibon ang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Inilibot ko ang paningin at ang malawak na kakahuyan ang unang sumalubong sa akin. Nandito pala ako sa l

