“What the f-ck? Where did you get that f-cking gun?” Nanlalaki ang mga mata at halos mahulog mula sa kinauupuan niya si Waldo habang tinuturo ang kanang kamay kong may hawak na baril. “B-bakit ka may baril, boss?” nanginginig na tanong ni Ymar. “Hindi mo naman kami papatayin, hindi ba?” Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Depende. Depende sa sagot ninyo. Ang mga kasama naman niya ay napapailing at may kasamang pagmamakaawa ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Ang iba ay halos yumupyop sa ilalim ng inuupuan nila kahit na hindi naman sila kasya ro’n. Si Sakuragi naman ay akala mo ay inugat na sa kinauupuan niya dahil hindi na ito gumagalaw. Butil-butil ang mga pawis nila sa noo kahit na malamig naman dito sa loob. Sa sobrang abala ng mga utak at mata nila s

