“Oh, great! Kapag minamalas ka nga naman!” saad ko habang pinaghihiwalay ang bawat hibla ng buhok kong nagdikit-dikit na. Kanina bago ako makarating dito sa shower room ay naninigas na ang buhok ko at nanlalagkit. Simula noong pumasok ako rito sa Gokudo ay lumabas ang pagiging girl’s scout ko. Hindi pwedeng wala akong dala na extra na damit. Pakiramdam ko kasi ay laging may mangyayari o kaya ay magkakaroon ng aberya. Hindi nga naman ako nagkamali, tulad na lang ngayon. Ang hirap timplahin ng mood ng mga tao rito. Araw-araw ay iba-iba rin ang trip nila sa buhay. Noong pumasok ako sa isang cubicle ay sinigurado ko muna na mayroong lock ang pinaglalagyan ko ng mga gamit. Mahirap nang baka maulit iyong nangyari noon. Baka si Lorcan naman ang makapatay ngayon kapag nalaman

