“Ano ang gusto mong pag-usapan natin, Alice?” pormal at wala nang pagligoy-ligoy pang tanong ni Luna. Kakatapos lang pareho ng duty namin para ngayong tanghali. Kanina pagkatapos kong magbihis at makipag-usap doon sa dalawang babae sa shower room ay sa canteen din naman agad ang diretso ko. Iyon nga lang ay hindi ko agad nalapitan si Luna dahil pareho kaming may trabaho. Oras na rin para sa PE class pero siguro ay hindi na kami makakadalo roon. Dito sa likod ng canteen namin napagpasyahang mag-usap. Malayo sa mga mata na makakakita at tainga na makakarinig mula sa ibang mga estudyante. “I have something to ask, Luna,” I said looking directly into her eyes. She gulped and immediately looked away. Naglakad siya palayo sa akin at agad na tinungo ang isang puno para

