“Kaya mo ‘yan, Alice. Itatanong mo lang sa kaniya kung ano ang kakainin niya,” bulong ko sa sarili na kanina ko pang pinapalakas ang loob. Nasa tapat ako ng student council’s office para itanong kung ano ang gustong meryenda ni Lorcan, at kanina pang malakas ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi na mapakali. Kanina pa rin ako nagdadalawang-isip kung kakatok ba ako o bibili na lang muna ng kahit na anong pagkain bago dumiretso rito? Hindi ko naman alam na nakakakaba pala ang pagtatanong lang ng pagkain? Walanghiya! Pero natural lang naman na magtanong ako, hindi ba? Alalay niya ako at dapat ‘yong kakainin niya ang dadalhin ko. Mahirap na kung masasayang lang din. Marami pa namang mga tao ang nagugutom sa panahon ngayon. “Pinakain mo nga ng gulay kahit na hindi naman

