“Alice Lopez? As in Alice Lopez ni kuya Grey?” sigaw ni Alexander habang tinuturo ako. “Na kasama natin ngayon dito?” Kulay na lang ay lumabas ang eyeballs niya mula sa kinalalagyan nito dahil sa matinding gulat. Napapitlag din ang dalawang lalaking katabi niya. Samantalang ako naman ay napaturo rin sa sarili dahil sigurado akong wala namang ibang Alice Lopez dito sa Gokudo, maliban na lang kung may katulad pala ang pangalang gamit ko. At ako lang naman ang Alice Lopez ni Grey Lorcan Madrigal! Angelique and Andrea synchronously nod their heads. Hindi matanggal ang ngising nakapaskil sa mga labi ng magkapatid. “Yes. She is the culprit,” they answered. Pagkatapos noon ay ay hindi ko na maipaliwanag kung ano ang mga naging reaksyon nila. Napasigaw ang lahat

