“So what’s the matter?” tanong agad ni Lorcan sa mga kasama na nadatnan namin sa receiving area ng opisina. Kumpletong nakaupo ro’n ang mga officer habang nasa bandang likod naman ay nandoon ang ibang miyembro ng tatlong pamilya. Nakaupo sa gitna, katabi ni Angelique ay isang hindi pamilyar na lalaki na sa tingin ko ay nasa mga edad na kwarenta. He is wearing a brown leather jacket and has a white shirt inside. He looks like one of those people who has detective roles in a crime s***h thriller movie. “Mabuti naman at dumating ka na… I mean kayong dalawa,” bungad na saad ni Angelique habang pinapahapyawan ako ng tingin. Nanulay rin ang kaniyang mata sa magkahawak na kamay namin ni Lorcan. Na siyang ginawa rin ng ilang mga naririto. Tumayo siya at itinuro ang hindi pamil

