“Mauna na po muna kami. Babalik na lang po kaming muli sa susunod na linggo,” magalang na paalam ni Kenny sa mga madre. Kalaunan ay napagpasyahan na rin nila na umuwi. Kanina kasi ay nagkasiyahan pa kaya inabot na lalo ng dilim. Malapit na rin kasi tumuntong ang orasan sa ika-siyam ng gabi, baka mahirapan silang magbiyahe. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang mga tinitirahan nila mula rito. Samantalang ako naman ay aabutin siguro ng dalawang oras at hanggang tatlong oras kung sakali man na traffic. Kailangan ko pa ring maghintay kung sakaling mayroong dadaan na taxi. Kapag kasi ako napupunta rito at sa tuwing ginagabi ay inihahatid ako ni Sister Tin hanggang sa labasan kung saan may mga bumabyahe ng sasakyan. Mabuti na lang at marunong siyang mag-drive, sakto sa biniling sasak

