“Ate Alice, mabango na po kami. Nakaligo na.” Salubong sa akin ng limang taong gulang na si Mike. Nakahilera sila sa b****a ng kabahayan na waring naghihintay sa pagbalik namin. Napangiti ako habang kumakaway ang mga ito sa amin. “Tingnan mo nga at hindi na nakapaghintay sa ‘yo ang mga batang iyan,” ani Sister Jana sa akin. Nangingiti rin itong tiningnan ang mga bata. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Naglakad ako palapit sa mga bata na mukhang kanina pa nga naghihintay. Agad naman silang pumalibot sa akin. Umupo ako para magkapantay kaming lahat. “Paamoy nga kung mabango na ang mga baby ko.” Paglalambing ko sa kanila. Hindi ko na pinansin kung ano ang maiisip ng makakakita man sa akin. Mabilis naman na yumakap ang mga ito sa akin at napatawa na la

