“Ano ang nangyari, boss? Ano ‘yong nabalitaan namin kahapon?” Hindi pa ako nakakahinga, hindi pa rin nakakaupo ay iyon agad ang binungad ng chismosong si Isko sa akin kinabukasan pagdating ko sa classroom. Expected ko nang ganito ang mangyayari. Ikaw ba naman ang maglakad ng nakatuwalya lang sa hallway, paniguradong usapan ka kinabukasan, kung mamalasin ka ay baka tumagal pa ng isang linggo o baka hanggang sa maka-graduate ako rito. “Ang chismoso ninyo, ano?” Umismid ako sa kaniya at ipinatong ang bag sa upuan. “Boss naman, bakit gano’n?” Napanguso si Isko na akala mo naman ay bagay sa kaniya. “Mukha kang bibe, bro. Tigilan mo ‘yan,” asar ni Bruno sa kaniya. At least, pareho kami ng utak ng kambal niya. “Rumampa ka raw sa hallway kahapon, boss. Say

