“Pasensya na po, hindi na ako naka-duty kahapon.” Naabutan ako ni nanay Siling na nagpupunas ng mesa. Medyo late na akong nakauwi kagabi dahil literal na nakatulog si Lorcan kaya hindi na ako nakadaan dito sa canteen. I even left him sleeping. I just left a note on his table. Mabuti na nga lang at wala ang mga kasamahan niya noong lumabas ako. “Ayos lang iyon, hija. Nagkaroon ba ng problema?” nag-aalalang tanong niya. Umiling ako. “May inutos lang po iyong amo ko,” sagot ko at nag-iwas na ng tingin. Well, that’s true. Totoo naman na may inutos si Lorcan, ‘yon nga lang ay hindi katulad ng pangkaraniwang utos sa alalay ng isang boss. Masiyadong malayo ang kaugnayan noon sa trabaho ko. I promised to myself that yesterday was the last day I would let my heart w

