KLAUS DAHIL maaga akong umuwi galing sa opisina ay sa bahay ko na lamang tinapos ang ilang naiwang gawain sa opisina. Madilim na sa labas nang makatapos ako sa lahat ng aking gawain. Matapos ang aking huling meeting ay agad kong pinatay ang aking laptop at dumiretso sa banyo upang maligo. Mag-a-alas otso na ng gabi nang mapasulyap ako sa malaking orasan na nakasabit sa pader. Kahit ilang oras na ang nakalipas pakiramdam ko ay hindi nababawasan ang aking pagkabusog. Mukhang hindi na ako makakakain ng hapunan nito kahit pa kaninang tanghali pa ang huli kong kain. Ang balak ko ay matulog na pagkatapos kong maligo. Halos isang oras rin akong nagbabad sa bathtub bago tuluyang umahon. Nag-shower ako upang magbanlaw. Nang matapos ako ay agad kong inabot ang tuwalyang nakahanda roon at saka