Chapter 73

2057 Words

ALEX KAHIT anong pilit ko ay hindi ko nagawang makatulong nang maayos kagabi. Hindi ko na mabilang kung nakailang baliktad na ako sa kama bago ako tuluyang hilahin ng antok. Kaya naman mabigat ang aking pakiramdam nang magising ako nang umagang iyon. Marahan akong nag-inat saka mabigat ang katawang tumayo mula sa aking pagkakahiga. Saglit kong inayos ang aking hinigaan bago tumuloy sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Bagama't pilit kong inaabala ang aking sarili ay hindi ko pa rin magawang iwaglit sa aking isipan ang tungkol sa nangyari kahapon sa pagitan namin ni Klaus. Hindi ko pa rin maisip kung anong maaaring mangyari ngayong alam na ni Klaus ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Marahas kong ipinilig ang aking ulo upang iwaksi sa aking isip ang mga agam-agam na bumabagabag sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD