ALEX HINDI ako mapakali habang nakaupo sa may mahabang sofa na naroon sa salas. Ilang minuto na ang nakakalipas simula nang pumasok si Klaus sa loob ng banyo. Kanina panay ang sulyap ko sa may pinto ng banyo. Tila ba kay bagal nang pagtakbo ng oras. Ang ilang minutong nakalipas ay para bang kay tagal dahil sa aking pagkainip. Napapitlag ako nang makalipas ang ilang saglit ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Pilit kong iniiwas ang aking tingin at iniwasang mapabaling ang aking tingin dito. Agad na nanuot sa aking ilong ang amoy ng aking shampoo at body wash. “I'm sorry. Mukhang naubos ko yata ang body wash at shampoo mo. We should buy some groceries later,” wika nito dahilan upang mapabaling ako sa kaniyang gawi. “Akong nang bahala sa grocery—ko…” nauutal kong turan nang wala