Chapter 75 NAPITLAG ako nang makarinig ako nang mahinang katok mula sa pinto. Hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Sinubukan kong matulog upang panandaliang kalimutan si Klaus na kasalukuyang nasa kusina at naghahanda ng almusal ngunit kahit pilit ko ay hindi ako dalawin ng antok. Napabalikwas ako nang bangon at dali-daling tinungo ang pinto. Saglit kong inayos ang aking damit at buhok saka humugot nang malalim na hininga bago tuluyang binuksan ang pinto. Kagaya nang inaasahan, ang guwapong mukha ni Klaus ang bumungad sa akin. “Breakfast is ready,” turan nito. “Okay,” malamig kong saad. “I'll eat later. Kumuha ka na lang ng pagkain mo pagkatpos ay makakaalis ka na. Maraming salamat sa paglulu—” Hindi ko nagawang tapusin ang aking