KLAUS UNA akong pumunta sa pinakamalapit na supermarket. Nagbabakasakali akong mayroong lanzones doon na siyang gustong kainin ni Alex. I heard about weird pregnancy cravings. But what she craves for wasn't weird at all. What's weird is that she's asking for it when it wasn't even in season. Malakas ang kutob kong wala ng prutas na hinahanap ko sa malaking supermarket na iyon. Halos suyurin ko ang bawat sulok ng fruit section upang masiguro lamang na wala akong makakaligtaan. Ngunit kahit anong masusing paghahanap sa kabuuan ng lugar na iyon ay talagang wala akong makita ng prutas na pinapahanap ni Alexis. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang pumunta sa palengke upang doon naman maghanap ng prutas na iyon. Ilang minuto rin ang layo ng palengke mula sa supermarket. Hindi ko alintana ang