ALEX PANAY ang silip ko sa malaking orasan na nakasabit sa may dingding ng salas. Mag-aalas nuwebe na ng gabe ngunit hindi pa rin nkakabalik si Klaus. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka kung ano na ang nangyari rito. Hindi ko alam ang kaniyang numero kaya't hindi ko ito magawang kumustahin. And even if I do have it, I doubt that I would even had the courage to check up on him. Ayaw kong ipaalam dito na nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng upo at tayo habang hindi mapakali. Para bang kay bagal nang takbo ng oras. Pagbagsak akong nahiga sa mahabang sofa na tila nawawalan na ng pag-asang uuwi pa si Klaus dito sa apartment ko. Baka naman nahirapan na kaya hindi na bumalik. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot nang sum