ALEX BUONG maghapon ay pinilit kong iwasan si Klaus. Pinili ko na lamang magkulong sa loob ng silid sa halip na lumabas dahil nangangamba akong makasalubong ito. Hindi ko alam kung paano ito haharapin matapos ang nangyari kanina. Mas lalo lamang kasing pinagulo nang nangyari kanina ang aking puso't isip. Dahil sa isang mainit na halik ay tuluyan nang nagising ang damdamin ko para kay Klaus na matagal ko nang binaon sa limot. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng mga paperworks na binaon ko rito mula sa opisina. Inihanda ko na rin ang mga kakailanganin ko para bukas. Ang totoo n'yan ay wala akong ideya sa kung anong gagawin namin dito sa plantasyon. Kaya lamang naman talaga ako sumama rito dahil sa takot na baka totohanin ni dad ang sinabi nitong ibibigay niya Adam ang pam