ALEX MATAPOS ang hapunan ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming mga kuwarto. Kagaya sa ibang probinsya, maagang natatapos ang araw para sa mga tao rito. Mag-aalas otso pa lamang ng gabi ngunit madilim at tahimik na sa labas ng bahay. Wala kang ibang maririnig kung 'di huni ng mga kulisap. Hindi ako sanay na matulog nang maaga kaya naman pinili kong matrabaho muli at hintayin na lamang na dalawin ako ng antok. Habang binabasa ko ang mga papeles na kailangan kong review-hin bago pirmahan ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang sinagot iyon nang makitang ang aking ama ang tumatawag. “Hi, dad,” bungad ko rito nang sagutin ko ang kaniyang tawag. “Hi, princess. How are you?“ “Prinsesa mo pa pala ako? Pagkatapos mo akong ipatapon dito?“ kunwa'y nagtatampong turan ko. “Ma