ALEX “MA'AM Alex, nandito na po tayo.“ Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ng aking driver. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Napagtanto ko na lamang na nasa harap na pala kami ng gusali ng aking opisina. Hindi ko namalayang nakatulog pala akong muli sa biyahe. I think something is wrong with me. Pakiramdam ko kasi ay palagi akong inaantok kahit sapat naman ang aking naging tulog. “T-Thank you,” wika ko saka bahagyang ipinilig ang aking ulo bago tuluyang bumaba. Muli akong nakaramdam nang pagkahilo dahil sa biglaan kong pagbaba sa sasakyan. Mabuti na lamang at mabilis akong nakahawak sa sasakyan bago pa man ako tuluyang matumba. “Ayos lang po kayo, ma'am?“ tanong ng aking driver nang tila mapansin nito na muntik na akong matumba. “I'm fine. I-park mo na lang ang sasak