JORDAN NANG makarating ako sa silid na aming tinutuluyan, hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na sinimulan ang pag-iimpake ng aking mga gamit. There's no point in staying here with him. I agreed to go here hoping that I can somehow take some good memories. Ngunit sa nakita ko kanina, mukhang imposible na magagandang alaala ang babaunin ko pagkatapos ng ilang araw naming pananatili rito. Naging abala ako sa pagliligpit ng aking mga gamit kaya hindi ko namalayang nagsisimula nang dumilim sa labas. Mas lalo ring tumitindi ang nararamdaman kong gutom dahilan upang hindi ko malaman kung anong aking uunahin. Sa huli ay napagdesisyonan kong tapusin na lamang muna ang pagliligpit ng aking mga gamit bago humanap nang makakain. Sakto nang matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay dumatin

