Chapter 119

1814 Words

JORDAN HAPON na nang magising ako. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid ngunit wala akong nakitang bakas ni Thanos. Marahan akong nag-inat bago tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga. Sinubukan kong silipin ang bawat sulok ng villa ngunit talagang wala roon si Thanos. Hindi ko sigurado kung bumalik na ba ito mula noong umalis ito kanina bago ako matulog o hindi. Hindi naging maayos ang huli naming pag-uusap kanina. Bagama't hindi naman ito galit, ramdam ko pa rin ang lamig ng kaniyang boses at talim ng kaniyang mga tingin bago ito umalis kanina. Pakiramdam ko tuloy ay may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Akmang lalabas ako ng villa upang hanapin si Thanos nang mapagtanto kong tanging bathrobe lamang pala ang aking suot. Dali-dali akong bumalik sa loob ng kuwarto upang magbihis. Haban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD