ALEX BAHAGYA nang humuhupa ang pamamaga ng aking paa matapos ko iyong silipin. Natatakpan iyon ng kulay puting benda na nakabalot sa aking sugat. Ngunit sa kabila noon ay mababakas po pa rin ang bahagyang pamumula ng aking balata sa may bandang paligid nito. Inabala ko ang aking sarili sa pag-scroll sa aking cellphone. Mabuti na lamang at kahit papaano ay hindi mahirap ang signal sa bahay na ito kahit pa nga ba malayo-layo ang aming bahay sa bayan. Simula nang lumabas si Thanos kanina ay hindi ko pa ito muling nakikita. Nais nitong manatili rito sa loob ng aking silid upang bantayan ako ngunit ipinagtabuyan ko ito. Hindi rin naman ako makakapagpahinga habang narito siya. Though I've already proven that he's not a bad guy, I'm still not comfortable of sleeping with a stranger inside my