ALEX TRUE to his words, he didn't leave my side throughout the day. Kahit anong taboy ko rito ay hindi ito nagpatinag. Maging ang pagkain ko nang hapunan ay ito ang nag-asikaso. Pilit nitong inagaw ang pagkaing dala ni Manang Gina at nagpumilit na ito na raw ang magpapakain sa akin. Kulang na nga lang ay subuan niya ako ng pagkain. Nang magsimula nang dumilim ay inaasahan kong lalabas na ito upang magtungo sa kaniyang silid. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang matapos ang ilang minuto ay muli itong bumalik na may bitbit na unan. Sinundan ko nang tingin ang bawat niyang kilos. I was still giving him the benefit of the doubt. Ngunit tuluyang tuwikwas ang aking kilay nang ilapag niya ang bitbit na unan sa ibabaw ng kama. Nanatili pa rin akong tahimik kahit ang daming tanong n