ALEX MAKALIPAS ang ilang minuto ay muli akong lumabas ng aking silid. Tanging si Beth na lamang ang naabutan ko roon. Nagsimula na itong maglinis sa loob ng aking unit. Sumulyap ako sa lamesa at napansin kong wala na roon ang mga pagkaing inihanda ni Klaus kanina. Tila naman napansin iyon ni Beth kaya't nagsalita na ito kahit hindi ko pa tinatanong. “Hindi ko pa po kinakain, Miss Alex. Baka po kasi magbago pa isip n'yo kaya itinabi ko na lang po muna sa fridge,” turan nito. Pilit akong ngumiti bago sumagot dito. “It's fine. You can have it. Kung hindi ka pa gutom, puwede mo namang iuwi ang lahat ng iyon. Itatapon ko lang din 'yan kaya mas mabuti pang iuwi mo na lang para hindi masayang,” saad ko. “Ay, gano'n po ba? Sige po iuuwi ko na lang mamaya pagkatapos kong maglinis. Sayang naman