ALEX MALALIM na ang gabi nang makarating kami sa aking condo. Hindi na namin nagawang magpaalam sa iba naming kasama dahil sa pagmamadali. Nagbilin na lamang kami kay Manang Gina na sabihing nauna na kaming bumalik sa Maynila. Naging tahimik ang aming biyahe maliban na lamang sa ingay ng mga pinapatugtog ni Thanos sa kaniyang stereo na puro kanta ni Jon Bon Jovi. Pakiramdam ko nga ay instant fan na niya ako dahil sa haba ng biyahe ay walang ibang pinatugtog si Thanos maliban sa kaniyang mga kanta. “Where's the entrance to the parking?“ tanong ni Thanos nang nasa may harapan na kami ng aking condo. “No need to park, I'll just get off in front of the lobby—ouch!” Napahiyaw ako sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtapak sa preno. “Where's the entrance to the parking are?“ ulit nito. Baga