ALEX “K-KLAUS…” Tila bigla akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung paano nito nalamang kung saan ako nakatira. Higit sa halat, paano nito nalaman na narito na ako? Unang sumagi sa aking isip ay ang aking ama. Wala namang ibang nakakaalam na narito na ako maliban dito. “What are you doing here? May balak ka bang sirain ang pinto ko?“ tanong ko rito matapos kong bahagyang makabawi sa aking pagkagulat. “Can I come in?“ Malamig ang kaniyang tinig. Ang kaniyang mukha ay hindi maipinta. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kaniyang panga at ang mariin nitong pagkuyom sa kaniyang kamay. “I don't think this is the best time for you to come in. Kung may importante kang sasabihin, ipagpabukas mo na lang,” turan ko nang walang pinapakitang kahit anong emosyon. Wala akong