Chapter 29

1910 Words

ALEX BAHAGYANG gumaan ang aking pakiramdam nang matapos kong magbabad sa maligamgam na tubig. Pakiramdam ko ay panandaliang nawala ang aking pagod dahil doon. Sinuot ko muna ang aking bathrobe habang tinutuyo ang aking buhok gamit ako tuwalya nang lumabas ako sa banyo. Nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa banyo nang makarinig ako nang kalabog mula sa labas ng aking kuwarto. Dahil sa pagkataranta ay hindi ko na nagawang magpalit ng suot at dali-daling lumabas ng aking silid. Hindi ko alintana na wala akong ibang suot maliban kulay puting bathrobe na siyang ginamit ko matapos akong maligo. Napanganga ako nang mabungaran ko ang magulong sala. Naroon ang basang na center table, basag na lampshade, at nagkalat sa sahig ang mga bulak na galing sa mga throw pillow na nakapatong sa ibabaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD