ALEX NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mainit na bagay na dumadampi sa aking balat. Makapal ang kurtina sa aking kuwarto kaya't nananatiling madilim ang buong silid. Bahagyang kumunot ang aking noo nang may maramdaman akong kamay na pumipisil sa kaliwa kong dibdib. Nanatili akong walang kibo habang pinakikiramdaman ang susunod nitong galaw. Bakit nga ba nakalimutan kong hilig nitong lamasin ang aking dibdib sa tuwing ito'y matutulog noong magkasintahan pa lamang kami. Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang hilig niyang iyon. Kadalasan noon, kahit tuloy ito'y kusang gumagalaw ang kaniyang kamay. Kaya naman sa pagkakataong ito, iniisip kong katulad lamang din ito noong dati. Ngunit nang magsimulang bumaba ang kaniyang kamay patungo sa pagitan ng aking mga hit