JORDAN AGAD kong ginawa ang lahat ng bilin ni Ali. Inihanda ko ang aking mga gamit nang hindi nahahalata ni Thanos. Abala ito sa kaniyang laptop kaya't wala itong kahina-hinala sa mga nangyayari. Kasalukuyang nasa bar si Thanos at umiinom ng alak habang nakaharap sa kaniyang laptop. Abala ito sa kaniyang ginagawa. Pabor naman iyon sa akin dahil malaya akong nakakakilos nang hindi kumukuha ng atensyon nito. “Ready ka na ba?“ tanong ni Gabbi matapos ko itong pagbuksan ng pinto. Nasa likuran niya si Max. “Yes. And'yan na ba ang eroplano?“ “Wala pa. Pero nagradyo s'ya kanina na lalapag siya sa may dock line sa loob ng limang minuto,” saad ni Gabbi. “Ilabas na kaya natin ang mga gamit mo, Jordan?“ singit ni Max. “Oo, mabuti pa nga. Para nakahanda na ang lahat pagdating ng eroplano.“ Baha

