JORDAN I STILL can't believe that he has the audacity to detain me here after everything that he did. Is he expecting me to go back to the way it was like nothing happened? “I hate him! I hate him!“ Panay ang singhal ko habang naglalakad pabalik sa aking silid. Habang naglalakad ay nahagip ng aking paningin ang isang duyan na animo'y isang cocoon. Nakalagay ito sa may malapit sa pangpang kaya naman kitang-kita mula roon ang payapang karagatan. Napagdesisyonan kong doon na lamang muna magpalipas ng sama ng loob kaysa iburo ang aking sarili sa loob ng silid. Nagbabakasakali akong makakatulong sa akin ang magandang tanawin upang malinawan ang aking isip at makapagplano nang maaari kong gawin upang makatas. Ang hirap basahin ng tumatakbo sa isip ni Thanos. Hindi ko alam kung anong dahila

